Martes, Nobyembre 5, 2013

Ang Unang Taon Ko Sa Kolehiyo



         "Ang aking kwento nung ako ay nasa unang baytang sa kolehiyo"

         "May desisyon sa buhay na hindi mo na pwedeng baguhin o balikan"

       
         17-anyos ako nung tumuntong ako sa kolehiyo kasama ko pa yung ate ko nung nag-entrance exam at nag-enroll ako sa aking pinasukang esKWELAhan. ewan ko ba bakit mass communication siguro totoo yung "MASKOM PORTABLE SA BAHAY" na gasgas na gasgas na sa tuwing may nagtatanong kung ano ang kinuha mong kurso, at sa tingin ko medyo totoo nga ito. Noong High School ako yung sa NAT result ko 83 percent kung di ako nagkakamali tapos yung trabaho daw na nababagay/kurso sa akin ay yung sa investigative at tingin ko naman yung masscom ay related dito. At isa pa pala idol na idol ko kasi NOON si Ely kaya masscom kinuha ko ang alam ko kasi about sa film ung kursong kinuha niya na pwede na din natin sabihing related sa kursong kinuha ko.

          Tinanung kami ng aming guro bakit mo napili ang kursong ito?

Naging dahilan ko pa nung unang araw sa kolehiyo na idol ko kasi si Ely gusto ko maging tulad niya magkabanda at magkapera. Yung iba kong kaklase gustong maging photographer,fashion designer,reporter at kung ano-ano pa. at ang tumatak talaga sa isip ko yung babae kong kaklase na gusto niya daw maging artista.


          Sabi ko nung high school pa ako gusto ko makatapos lang ako simple lang ang pangarap ko sa buhay at ang babaw lang at masaya na ko dun. kasi iniisip ko nun baka hindi ako makatapos kasi nga panay laro lang ako sa buhay.
       
\




          Unang linggo ko pa lang sa kolehiyo ang kompyuteran agad ang hinanap ko. kakaba-kaba pa ako yung mga panahong iyon, Alam  mo na yung tipong hindi pa gaano sanay sa maynila. Iniisip ko pa noon kung anong mga kaibigan ang matutuklasan ko baka mga tropang kung saan panay inom, pambabae, droga at kung ano ano pang bisyo. Sikat yung tinatambayan ko malapit sa BETTER billiards. Sand king pa ang naaalala ko nung ako ay naglalaro radiance, dalawang taras at boots of travel ang kanyang buo. Naalala ko pa yung kalaro ko pa noon ay taga Letran.


                                         Malungkot at napailing na lang ako dahil talo ako noon.



         Dahil sa hilig ko nga talaga sa pagdoDota yung subject ko na Philippine Constitution ay bumagsak na! Bwiset yung impaktong propesor ko na registrar ng mga panahon na iyon di ko pa alam kung ano sasabihin ko sa magulang ko pag uwi ko "Yari patay na naman ako nito" sabi ko pa sa sarili ko noon. Naalala ko lang dun sa Professor ko na yun yung kwento niya sa kanta ni John Lennon marami daw ang tumutuligsa at kritiko sa kanta niyang "Imagine" dahil sa mga liriko nito.







          Sinabi pa niya exempted sa quiz kung sino ang nakakaalam at kakanta sa harap nito. Naalala ko pa galing sa Batanes yung classmate ko na kumanta nun sa harap ng klase. Ang totoo niyan wala talaga ako natutunan nung unang taon ako sa kolehiyo puro kalokohan at bulakbol lang ata at panay pa ang pagdodota ko.

          Musika, sakto pa noon yung first year ako may tribute sa ERASERHEADS laking tuwa ko nung may event sa school sabi pa nila si Marcus Adoro daw ang magjujudge kabadong kabado ako noon yung tipong gusto-gusto ko to at ayan na practise na lang ang kulang doon pa kami nagppractise sa likod ng SM manila. Na-text ko na ang tropa si Jem at Jed pati yung tropa ko sa ibang subject na ang sabi pa niya tito niya daw yung bahista sa bandang "HOTDOG" na agad ko naman ikinatuwa nung nalaman ko na may history na siya pagbabanda kasi dahil sa "TITO" raw niya.  Mahilig ako mag-gitara lagi ko pang kina kanta yung "Pop Machine" favorite song ko sa Eheads at iniisip ko kung paano ako mag-kakapera at makikilala baka ito na yon, nasa studio na kami maganda ang simula nung aming jamming, habang tumatagal yung drummer namin ay hindi na natutuwa. nagsabi siya na wag na daw ayaw niya na ituloy. Ako naman ay naguguluhan at nalulungkot bumulong sa akin yung drummer ayaw ko sa bahista natin nanghuhula lang daw ng chords. Nalungkot ako sabi ko wala na magagawa bukas na ang last day para sa mga gustong sumali sa BATLLE OF THE BANDS. Nauwi na lang sa inuman, inaya ko sila yung pang entrance namin ay pinang-inom na lang namin at habang naglalakad napapakanta na lang ako ng "Pare Ko".








       NSTP-1 Ang halo-halong section at kurso ang pinagsama-sama sa isang room Tourism, HRM , Advertising at MassCom at kung ano-ano pa. kakatuwang isipin na puro kagaguhan lang ang matutunan mo kung hindi Pag-inom ng tanghaling tapat at paninigarilyo, Naaalala ko lang dito na lagi kami umiinom nila John,Jb, Yvette, Eunice at Red pati na rin sila Mark at Nic. Yung naalala ko lang na topic sa klase dito yung lamok na may dalang dengue virus at yung tanung ni JB na "Nakakabuntis po ba yung pre-ejaculation" na hindi ko maintindihan kung ano ba yung tinatanung nitong si JB. May kaklase pa kami sa NSTP nung nakipaghiwalay yung babae sa kanya ayun nasira ang buhay niya. Ngunit kahit ganon man masaya naman dahil kung hindi sa experience na yun ay magiging malungkot at boring ang unang taon ko sa kolehiyo.





                                                                    Credits to the owner of the pictures. (Grab it from the internet)





\